Para Kanino Na Ang Awit Na Ito?

umuulan na naman
at lumulungkot na ang kapaligiran
ba’t ba ganyan?
naiisip ka na naman…

hinihintay ko ang araw
para maiba na ang panahon
lumuluha na yatang puso ko
sa kakaisip sa yo

tuwing ganito ang panahon
maraming bagay ang pumapasok
sa ‘king isipan
inaawit ang mga tula
ngunit sinong makikinig nito?

tuwing ganito ang panahon
maraming bagay ang pumapasok
sa ‘king isipan
gumagawa ng mga tula at awitin
ngunit para kanino na ito?

para kanino na ito?
para kanino na ito?

para kanino na ang awit na ito?

© 1989 Darem Placer

From Darem Placer's demo album "Black Painted Room"
© 1989 DIY