Oras-Oras

kalungkutan ang nadarama
sa paglipas ng mga oras (oras)

kitang-kita ang mga bakas,
kahapon tila walang wakas (wakas)

kalikasok ang nakikita
sa paggalaw ng mga mata (mata)

matarik na kordilyera
mahulog man, wag kang padadala (dala)

o nagdurusa ka ba sa akin?
naiisip mo ba ang suliranin oras-oras?

magdamag akong naghihintay
pangarap, ngayo'y nahimlay (himlay)

kandilang nakapatay
pahiwatig ng iyong buhay (buhay)

© 1995 Darem Placer

from The End's album "Istorya"
© 1996 (Tone Def) Ivory records



Gene Pabalan: drums
Chay Sapida: keyboards
Darem Placer: guitars and vocals
words and music by Darem Placer