Kulay

dati’y malungkot ang buhay ko
walang kulay at pagbabago
ngunit lahat ay inalay sa ‘yo
ngayo’y kaakit-akit na ang mundo

nais kong ipadama sa ‘yo
ang pag-ibig na galling sa puso ko
pagtatangi kong walang hangan
sa ‘yo lamang inuukol

o ikaw ang nagdulot
ng kulay sa buhay ko
hinandugan mo ako
ng pag-ibig na walang lumo

tuwing ako ay nalulumbay
ikaw ang lagi kong karamay
mga oras ng kasiyahan
hangad kong i-alay sa ‘yo

o… o…

© 1987 Darem Placer