Isipan

naglalakad ang diwa ng iyong buhay
nabasa ko ang istoryang walang kulay
lakrimal na agos, laktaw-laktaw
panahon ng ani - pumanaw!

pinipigilan ng unos ang paggalaw
kahit wala ang araw, nasisilaw
iyong winasak ang ating sumpaan
sagisag ng ating pinagmulan

linawin mo naman ang yong istorya
nagbibingi-bingihan ba ang mga tenga?
pakinggan mo naman!
pakinggan mo naman!
pakinggan mo naman ang yong isipan!

nagdadala ang hangin ng kasiyahan
sa init na dulot ng kahirapan
pumapatak na luha na maantak
dilim ng langit, sa yo'y naninindak!

© 1995 Darem Placer


from The End's album "Istorya"
© 1996 (ToneDef) Ivory Records



DOWNLOAD

Gene Pabalan: drums
Chay Sapida: keyboards
Darem Placer: guitars and vocals
words and music by Darem Placer